Paano Nga Ba Harapin ang Problema?

Ano ang pagkakapare-pareho ng lahat ng tao? PROBLEMA. Bawat tao ay may problema, mayaman ka, mahirap ka, kahit sino ka pa, you will face a problem in life. Nagkakaiba-iba nga lang tayo kung paano natin ito haharapin. Sabi nga hindi naman ibibigay sa atin g Diyos ang isang problema nang hindi natin kakayanin,(Wala pang pagsubok na dumating sa inyo na hindi nararanasan ng lahat ng tao. Tapat ang Diyos, at hindi Niya ipapahintulot na kayo’y subukin nang higit sa inyong makakaya. Sa halip, pagdating ng pagsubok,bibigyan Niya kayo ng lakas upang mapagtagumpayan ito. 1 Cor. 10:13) But why there are still people na natatalo ng problema? It is because of lack of knowledge how to deal with it. Not knowing what is the first thing to do when problem hits you, kase walang pinanghahawakang Salita ng Diyos. At bakit walang pnanghahawakan? Dahil ba nagkulang ang Diyos na ipakilala sa atin ang Salita Niya? Of course NO! It is because iniignore natin Siya. I am not condemning people na dedma lang kapag Word of God na ang usapan, meron pa nga dyan na umiikot ang mata kapag sinishare’ran or umiiba ng daan para lang maiwasan yung nagseshare ng Salita ng Diyos. Galing na ako dyan kaya alam ko, at madami akong kilala na ngayon ay mga nagseserve na kay Lord at nags-share na ng Salita Nya na dati ay mga dedma din kapag sine-share’ran. Yung daming palusot para lang di makasama sa Bible Study. Biglang sumasakit ang kung anu-anong parte ng katawan kapag araw na ng linggo. O kaya naman biglang mag a-outing kahit na malakas ang ulan, alam nyo yun, yung mga palusot na gawa-gawa na lang at wala namang katotohanan pero sige pa ding ipagpipilitan.
Anyway, bago pa tayo mapalayo ng topic, because we are talking about how to deal with a problems or trials in life, I will tell you a story. A story happened long time ago, it was written in the Book of II Kings 4:1-7. Maybe some of you heard this story already and some are hindi pa, kaya ikukwento ko na din, you can read it directly in your Bible if you want. This story will teach us how to face a problem and defeat it.
The story was about the widowed woman with two children. Marami silang utang, at namatay ang asawa nya.(kaya nga widow na.haha) Alam nyo na ang problema nya; maraming utang tapos namatay pa ang asawa niya. Syempre kapag utang, sisingilin yan. Kamamatay lang ng asawa niya, at wala siyang ibabayad. At dahil di sila makabayad sa mga pinagkakautangan, ‘yung isang naniningil gustong gawing alipin ag dalawa niyang anak. Hala, di pa ako nanay, pero alam ko pag anak na ang usapan, iba na yun. (Agree po ba mga nanay?) So, dahil ayaw niyang mangyari yun, lumapit siya sa isang propeta. (Propeta is yung mga lingkod ng Diyos at naghahatid ng mensahe from God to people,mediator in the old testament) Ang propetang yun ay si Eliseo. The widowed woman (1.)asked help from God through the prophet. This is the first thing we should do whenever problems hit us, humingi ng tulong sa Diyos. This story happened in the time of Old testament, where people don’t have direct contact to God unlike today that we can talk to God directly because of Jesus the mediator, Siya ang mamagitan sa atin at sa Diyos(For there is one God, and one mediator also between God and men, the man Christ Jesus, 1 Tim. 2:5; And for this cause he is the mediator of the new testament, that by means of death, for the redemption of the transgressions that were under the first testament, they which are called might receive the promise of eternal inheritance. Heb. 9:15) You can say anything to Him through prayer. You don’t have to find a prophet. Napaka-simple, manalangin ka lamang. Ito ang una nating gawin, humingi tayo ng tulong sa Diyos, at hindi ‘yung sa kung kani-kanino tayo lumalapit. Madalas na sa tao tayo unang lumalapit, wala kasi tayong wisdom, o kaya naman may wisdom na pero pag andyan ang problema, hindi ginagamit ang binigay na wisdom ng Diyos kaya lalong nakakabuhol-buhol ang problema. Example, itong example ko e base sa totoong buhay, I worked in Taiwan for four years at madami akong nakilala at nasaksihang kwento ng buhay. Para dun sa mga di pa nakakapag-abroad for working, para sa kaalaman nyo lang, napakahirap po mag-trabaho sa malayo. Tapos akala pa ng mga nandito lang sa Pilipinas, ang daming datung ng mga OFW, siguro meron nga kase ang laki naman talaga ng difference ng sweldo dito at sa ibang bansa, pero iba ang hirap ng trabaho dun. Physically, mentally and emotionally tiring. At alam nyo ba (atin-atin lang ‘to ha,haha) karamihan sa mga Bayaning Pilipino ay puno ng problema, may wasak ang pamilya, umalis na buo and after 5 months wasak na,(alam nyo na yun kung bakit), ang iba naman ay baon sa utang kase ‘yung ibang pamilya kung makahingi wagas, kala naman nila gina-piko gina-pala ang pera dun o kaya naman ay dahil sa mga luho.Okay, i-example natin ‘yung utang, kase yun din problema nung biyuda sa kwento e, at marami ditong makakarelate. Kapag may kailangang bayaran, madalas dun lumalapit sa sanglaan ng ATM, o kaya sa mga 5-6 na tinatawag. Lolobo lang nang lolobo ang utang kapag ganito ang ginagawa natin, magpapauli-ulit lang ang takbo ng buhay natin, pabigat nang pabigat. Why not ask God for help first? Sabihin mo kay Lord na linawan ang iyong isip kung ano ba ang dapat gawin. (“Keep on asking, and you will receive what you ask for. Keep on seeking, and you will find. Keep on knocking, and the door will be opened to you. Matt.7:7 NLT) Yan ang sinabi ni Lord, kaya lang iniignore natin ang sinasabi Niya. God will give you answer to your problem, just ask for it. I will not tell you this kung di’ko ito napatunayan sa buhay ko. Marami na din akong na-encounter na problema at nalampasan ko ‘yun di dahil sa aking sariling kakayahan kundi dahil sa tulong ng Diyos, kase kung ako lang, lasug-lasog na ako, kase napakahina ko. I was about to quit, to give up, I cried and cried, di makakain, at di rin makatulog tapos papasok sa trabaho (inlove lang? haha, hindi , andame lang problema that time,next time ko na lang ikukwento), napakadaming gumugulo sa isip ko, di ko na alam kung anong gagawin and I remembered to open-up my notes kapag umaattend ako ng Sunday Service. Pag-open ko, nabasa ko ‘yung notes ko sa talk about the life of Job, si Teacher Fepot  ang preacher nun e,nilalagay ko kase lagi sa notes ko kung sino ang nag-to-talk. I read it and after i opened my Bible to read the whole, that time, nakaramdam ako ng spirit of hope, kase grabe ‘yung nangyare kay Job, wala pa sa kalingkingan ‘yung pinagdadaanan ko, pero siya nakuha pa din niyang magpuri kay Lord.Kaya, maganda talaga ‘yung nagja-jot down tayo kapag nakikinig ng mga talks, di mo man maabsorb now, time will come na kakailanganin mo ito. Parang mga canned goods na pwede mong i-reserve para sa pagdating ng tag-gutom at bagyuhan, pagkakaiba nga lang ang Salita ng Diyos walang expiration. At habang binabasa ko ‘yung part na ibinalik ni Lord ‘yung mga nawala sa kanya, hundred folds…feeling ko nakawala na din ako dun sa pinagdadaanan ko, ewan ko, basta gumaan ang pakiramdam ko. God gave me hope and peace of mind. Ganun, ganun kumilos ang Diyos.Hindi naman ibig sabihin kapag marami kang utang, pagkatapos mo manalangin ay instantly bayad na ‘yung lahat ng utang mo.No! God will give you a peace of mind, ‘yung kahit di kapa bayad at sinisingil ka na kabi-kabila ng mga pinagkakautangan mo, hindi ka nayayanig at nakakapag-isip ka ng tama at dapat gawin. Hahanguin ka ng Lord sa kaguluhan sa pag-iisip, and He will show you the right people na pwede mong lapitan at matutulungan ka, ‘yung willing talaga na tulungan ka sa iyong problema at hindi ‘yung pagsasamantalahan pa ang sitwasyon mo.
Let us continue the story of the widow. So, lumapit na nga siya kay Eliseo. Itong si Eliseo tinananong ang biyuda kung ao ang maitutulong niya, at itinanong din kung ano daw ang meron sa bahay niya. The widow answered ‘Wala po, maliban sa isang boteng langis’. Imagine, isang boteng langis na lang ang meron sila. And Eliseo said ‘Go and borrow to your neighbors oil containers as long as may mahihiram ka. And after, magkulong kayong mag-iina sa inyong bahay at lahat ng mahihiram mong lalagyan ay punuin mo ng langis na nasa bahay mo. Itabi mo ang mga napuno na.’ That was non-sense naisip ko, ang laki ng problema ng mag iina tas ipapagawa pa sa kanila ay parang wala namang kinalaman sa kaso nila. And what the widow did? She went home and sumunod sa sinabi ni Eliseo.Nanghiram ng mga lalagyan, nagkulong at pinuno ang ang mga bote. You see what she did next.She followed the instructions and then miracles happened. (2.) Follow/Obey God’s instructions. Tingin man natin ay imposible nating magawa, gawin pa din natin. Sundin natin ang sinasabi sa atin ng Diyos at tulad ng biyuda mararanasan din natin ang kanyang pagpapala, sumunod lamang tayo sa Kanya. At habang ginagawa ng mag-iina ang sinabi sa kanila ng propeta, di nila namalayan na puno na ang lahat ng lalagyan, at dun na tumigil ang pagtulo ng langis mula sa bote. That is how God works, di natin namamalayan na habang tayo ay sumusunod sa Kanyang ipinagagawa, nagbabago ang ating buhay. Malay ba natin kung ilang kapitbahay meron sila, panu kung sa isang bahay ay may dalawang bote at ang kapitbahay nila ay sampu, ang isang bote naging twenty-one because they obeyed.
After this, bumalik ang biyuda kay Eliseo at isinalaysay ang nangyari.(3.) Acknowledge God/ Don’t forget God.’Yung biyuda, bumalik dun sa propeta after maranasan ‘yung miracle. Tayo din, huwag nating kalimutan ang Diyos kapag nakuha na natin ang sagot sa ating mga panalangin, kapag binigyan na Niya katugunan ang ating mga problema.
And ang huling sinabi ni Eliseo sa biyuda, ipagbili niya ang mga langis at ipangbayad sa mga utang ang mapapagbilhan, at gamitin nilag mag-iina ang matitira.(4.) Do your part. Yes, do your part,this is the last thing to do. Kase kahit ano pang ihain sa’yo ng Diyos, ilatag sa harapan mong solusyon kung di ka kikilos, walang mangyayari.May part kang dapat gampanan. Ginawa na ng Diyos ang part Nya, so do your part too. Kumilos ka. Nanalangin ka na magkaroon ng ulam, biglang nangitlog ‘yung alaga mong manok, syempre, iluluto mo ‘yung itlog para maiulam mo. Tulad dun sa buhay ng biyuda, kung di nya ibabayad ‘yung mapagbibilhan nya sa mga langis e patuloy silang sisingilin ng mga pinagkakautangan nila at malamang tuluyang maging alipin ang kanyang mga anak.
Napansin nyo ba na ibang-iba ang paraang itinuturo sa atin ng Diyos kaysa sa ating mga sariling paraan upang solusyunan ang problema? Tayo, pinangungunahan agad natin ang Diyos kapag tayo ay may problema. Imbes na humingi muna tayo ng tulong Niya, gagawa na tayo ng sariling move.Saan? Dun sa mga patubuan, dun sa lalong makakapagbaon sa atin sa utang.
Now, you know what are, and what is the first thing to do on how to face a problem, I’m sure you will never be the same anymore. Kase alam kong di mo gusto ang nasa ganung kalagayan, at lalong ayaw din ni Lord. Maganda ang plano Niya sa buhay mo, kayang-kaya Niyang hanguin ka sa iyong paghihirap, sa’yong mga problema. Just follow these four steps and be ready for the overflowing blessings from God, always remember the story of the widow and one bottle of oil.
Thanks for reading, God bless you!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s