Build it right!

Build your house on the Rock( Luke 6:46-49)

One day, I was walking to go to downtown. I saw a very big deep hole sa isang malaking bakanteng lote. May isang malaking backhoe na patuloy na humuhukay dito. After few days nang pupunta ulit ako sa downtown, dun ulit ako napadaan at nakita ko na sinisimulan nang lagyan ito ng pundasyon. Sapat na para masabing ito’y isang building pag nayare.I remembered what Jesus said on Luke 6:48 They are like a man building a house, who dug down deep and laid the foundation on rock. When a flood came, the torrent struck that house but could not shake it, because it was well built. Ang tunay na pagsunod kay Jesus ay hindi basta-basta lang. It will take time. Hindi ‘yung tumanggap ka ngayon at bukas ay malagong Kristiyano ka na. Marami kang pagdadaanan, marami ka munang matutunan, dadating ‘yung time na mapapagod ka. Ito ay tulad nga ng paggawa ng isang building. Para matiyak na ito ay matibay, na sa pagdating ng lindol ay di basta-basta mawawasak. ‘Yung matitibay na Kristiyano, bago sila tumibay ay napakarami muna nilang pinagdaanan, hindi instant ang pagtibay nila. Bago sila magkaroon ng matibay na pananampalataya sa Diyos ay humukay muna sila ng napakalalim, kumbaga madami munang Bible studies, fellowships, Sunday services at mga prayer meetings silang inattednan, sumunod sila mga itinuturo sa kanila at si Jesus ang naging pundasyon ng kanilang pananampalataya. Sinubok sila ng iba’t ibang problema at dahil si Jesus ang naging foundation of faith nila, hindi sila natinag.

Saliksikin mo ang iyong sarili, tama ba ang pundasyon ng iyong pananampalataya?Si Jesus ba ang sentro nito? Ikaw lang ang makakasagot niyan sa sarili mo, at mapapatunayan lang yan kapag andyan na ‘yung malakas na hangin at bumugso na ang tubig. Build your faith in God right. Build it through Jesus!

Thanks for reading and God bless! Time to share to others…

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s