How to deal with Problems in Life?

You have a problem, right? Well, lahat naman ng tao ay may problema, di lang pare-pareho. May mabigat, may magaan, at may mga problema kahit di naman dapat problemahin. Here, I will share to you how to deal with problems in life. The four effective ways to deal with our problems according to Bible.

  1. Lumapit sa Kinauukulan –(Magsiparito sa akin, kayong lahat na nangapapagal at nangabibigatang lubha, at kayo’y aking papagpapahingahin. Mateo 11:28)hindi po sa President, o kanino pa mang may katungkulan, di rin sa kaibigan, di rin sa magulang…in short…hindi sa tao, kundi sa Diyos. Kapag may problema, common na sa tao ‘yung ang unang gagawin ay may pinupuntahan na certain person. Nakakalimutan na natin na sa Diyos muna lumapit, at manalangin. Well, di naman instantly bibigyan ka ng Diyos ng solusyon sa problema mo, but, when He answered you, it is the best! Sasagot at sasagot ang Diyos, maniwala ka lamang. God answers in different ways, ‘yung sagot na alam Niyang nararapat para sa problema mo. Pwedeng sagutin ka Niya sa pamamagitan ng paglilinaw ng iyong isipan, upang maisip mo ang nararapat na gawin sa iyong kinakaharap na problema. Pwede rin namang pagaanin Niya ang loob mo. Maaari ring ipakita Niya sayo ang tamang tao na dapat lapitan, kung kinakailangan mo ng tulong ng iba o kausap. Kase madalas, kapag walang guidance ni Lord, sa maling tayo nakakalapit, kaya unahing lapitan ang Diyos and He will show the next thing to do to defeat your problema.
  2. Magtiwala –(Kay Yahweh ka magtiwala, buong puso at lubusan, at huwag kang manangan sa sariling karunungan. Kawikaan 3:5)you did the first right thing to do. Now what? Syempre, kailangan may tiwala ka sa Diyos, balewala ang paglapit mo sa Kanya if after ay di ka rin naman magtitiwala na tutulungan ka Niya. ‘Yung tipong lumapit ka sa Kanya, dahil kilala Mo lang na Siya ang Diyos, pero, wala naman ang iyong pagtitiwala wala din. ‘Yung after masabi mo ang problema mo ay gagawa ka pa din ng sarili mong paraan at di ‘yung paraang itinuturo Niya, lumapit ka pa sa Kanya? Para ka lamang alon sa dagat na kayang tangayin ng hangin sa kung saang dako. Magkaiba po ang kumikilala lang sa nagtitiwala. Even ang diyablo kilala ang Diyos.
  3. Do your part (Bakit ninyo ako tinatawag na: Panginoon, Panginoon, at hindi ninyo ginagawa ang aking sinasabi? Luke 6:46)syempre dahil problema mo yan, mayroon kang action na gagawin. Sa paglapit mo kay Lord, at pagtitiwala mo sa Kanya, you will have to make a move kapag may ipinapagawa Siya sa’yo. Ang tunay na nagtitiwala sa Kanya ay sumusunod. Gawin ang dapat gawin, makipag-cooperate kay Lord. It’s like the story of Juan Tamad, pinabunga ng Diyos ang bayabas para may makain siya, pinahinog, syempre para makain yun, may move kang gagawin, sungkitin mo o kaya akyatin mo ‘yung puno nang makain mo ‘yung bunga.
  4. Learn from your problem at magpasalamat –(Aking pinupuri
    ikaw, O Yahweh, yamang pinakinggan,dininig mo ako’t pinapagtagumpay. Mga Awit 118:21)
    Para hindi ka paulit-ulit sa isang problema, dapat matuto ka. At higit sa lahat, wag kalimutang pasalamatan ang Diyos. Dahil kung hindi mo i-a acknowledge ang Diyos matapos mong malampasan ang iyong problema dahil sa tulong Niya, He can give you the same problem again at baka mas mahirap pa. Gusto mo bang mangyari ‘yun? Ayaw? Kung ayaw, e di wag kalimutan ang Diyos

See, napakasimple lang ng dapat gawin, libre pa. I shared this ways to you, kase naexperienced ko ito in my life. Tested and proven. Pero, mararanasan mo lang ang effectiveness nito base sa kalagayan ng pananampalataya mo sa Diyos. Kaya napakahalaga ng may tamang relasyon sa Diyos, hindi man ito assurance na hindi ka na magkakaproblema, but it is assurance na magtatagumpay ka sa kahit na anuman ang pagdaan mong problema. At kung sasabihin mo namang ‘wala naman akong relasyon sa Diyos, kase ganito.. kase ganiyan…’ , I will tell you again… Lumapit ka sa Kanya, hindi ka Niya itataboy, no matter who you are, no matter how evil what you’ve done in your life. Ang Diyos ay willing, with arms wide open kang tatanggapin, just open your heart to Him. Just say a little prayer from your heart, and ask God to help you. At anuman yang problema mo ngayon, malalampasan mo yan, ganu man yan kalaki, gaano naman yan kabigat.

Thanks and God bless you. Feel free to leave a comment or message me if naranasan mo ang kadakilaan ng Diyos sa iyong buhay, may tanong ka or may gusto kang i-share.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s